Linggo, Mayo 20, 2012

Perfume

Talagang maaga pa akong na stress, kasi namisplace ko iyong perfume ko, magsisimba pa naman ako, hay mahirap talaga kapag nakasanayan mo na, parang tinatali ka, ewan ko ba. Hindi na naman kasi ako makaconcentrate sa pagsisimba kong may naiwan ako o may nakaligtaan lalong lalo na itong bagay na nagpapakomportable sa akin. Tinago lang pala ng kapatid ko, ano ba itong kapatid ko, pati pambabaeng perfume pakikialaman,hehe,hmm, parang may iba, pero hindi ah, hindi ako papayag na mag-iba landas ng kapatid ko, kaya nga kinuha ko talaga sa kanya at pinagalitan ko pa. Hehe mahirap na.

Sabado, Mayo 19, 2012

earings

Kawawa naman ako, nawala na naman ang earings ko kagabi, makailang beses na rin akong bumili nito,,hehe mura lang kasi kaya madaling mawala. Pero sayang iyon ha, alam niyo hindi pala maganda tingnan sa ating mga babae na walang earings lalong-lalo na kung noon parati natin itong suot-suot dati-rati tapos bigla na lang natin huhubarin, hay naku kapag tingnan natin iyong sarili natin sa salamin parang malaki ang nawala tapos pakiramdam natin hindi tayo komportable sa mukha natin, parang hindi na magandang tingnan.

Biyernes, Mayo 18, 2012

Eskinol

Hay naku!Kagabi nag-aral ako ng leksyon ko kasi malapit na ang exam kaya dapat mag-umpisa na, alam niyo kagabi gumising talaga ako ng hating gabi para maglagay lang ng eskinol sa mukha ko, nakasanayan ko na kasi. Ganito kasi iyong nangyari, usually kasi naglalagay ako ng eskinol sa mukha ko mga past 9 o'clock sa gabi at pagkatapos ay matutulog na ako niyan, eh kagabi siguro napagod talaga ako hindi ko na namalayan na habang nag-aaral ako ay nakatulog na pala ako, ang nakakatawa pa ay makailang beses ko pang napanaginipan si eskinol,hehe siguro hindi ko siya nailagay, ginising talaga ako ni eskinol para mailagay lang siya sa mukha ko, kaya nakabangon ako mga 11o'clock na ng gabi para maglagay lamang ng eskinol sa mukha ko.

Huwebes, Mayo 17, 2012

Sa wakas

Hay salamat, mabuti na lang at nandiyan si Lorybelle, pinautang niya ako ng lotion. Pero tiyak na sakit na naman ito sa ulo ngunit wala naman akong magagawa kundi e grab na lang ang opportunity na ito  kasi parang hindi talaga ako makakasurvive sa isang araw nang hindi nakapanglotion. Iipunan ko na lang ito,hehehe matagal pa naman ang bayad.

Miyerkules, Mayo 16, 2012

Lotion

Paubos na naman ngayong araw ang lotion ko. Nakakainis na nakakatawa. Nakakainis kasi wala pa akong pambili ngayon ng bago, nakakatawa kasi lahat gagawin ko na naman, kahit anong diskarte na naman mamaya ang gagawin ko para makuha ko lang ang natitirang laman sa loob ng plastic para kahit kaunti lang may mailagay ako sa aking katawan,,hay ang hirap talaga ng buhay. Magtutuos na naman kami mamaya ng kutsilyo at ng lalagyan ng lotion.hehehe...

Martes, Mayo 15, 2012

Perfume

Hindi talaga ako komportable kong hindi ko ito dala-dala kapag may pupuntahan ako, kasi parang pakiramdam ko ang baho-baho ko. Ganyan pala no, kung nasanay ka ng maglagay ng perfume araw-araw at kapag naubos na talagang gagawa at gagawa ka ng paraan para makabili. Hay kulturang pupular talaga. Nagmamadali kasi ako kanina dahil may dapat pa akong tapusin at gagawing research kaya tuloy naiwan ko iyong perfume ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, parang nilalagnat ako wala kasing perfume.

Bakit badtrip?

Sadya ngang napakahirap na maihiwalay sa iyo ang isang bagay na nakasanayan mo ng gamitin sa araw-araw. Alam niyo bang badtrip ako ngayon kasi naubos na iyong sabong ginagamit ko dahil nga sa wala na akong pambili. Bakit para yatang hindi na ako mabubuhay nang wala ito? Ito na nga ang kulturang popular ko, ang sabong marami ang tumatangkilik kaya sinubukan ko din na gamitin hanggang sa dumating na ngayon sa punto na hindi ko na maihiwalay ang sarili ko sa sabong ito. Nakakainis isipin ngunit wala naman akong ibang masisisi kundi ang sarili ko na hinayaan kong malulong sa sabong ito. Pero ngayon napag-isip-isip ko na hindi ito tama, dapat kong kontrolin ang sarili ko, hindi ko na paabutin pa sa puntong mas lalala pa ito.

Lunes, Mayo 14, 2012

Walang Kalayaan

"Mahirap sumayaw ng walang musika"

Hayaan ninyong ipaliwanag ko ang nakatagong kahulugan ng nabuo kong kasabihan. Ako ay isa lamang simpleng estudyanteng galing sa mahirap na pamilya. Dalawa na lang kami ng bunso namin ang nag-aaral kasi iyong nakatatanda naming kapatid ay huminto na sa pag-aaral, tatlo lamang kaming magkakapatid pero ang bunso naming kapatid ay nasa elementarya pa lang at ako naman ay nasa kolehiyo na. Sa unang tingin mababaw lamang ang nabuo kong kasabihan "Mahirap sumayaw ng walang musika" ngunit masasabi kong ito'y galing naman sa kailaliman ng puso ko,sa nararamdaman ko ngayon dala ng mahihirap na karanasan ko sa araw-araw.Pilit akong pinag-aral ng aking mga magulang sa isang sikat na paaralan sa aming lugar sa kabila ng kahirapan na aming nararanasan dahil nga sa isang pangarap na balang araw makakaahon kami at maranasan din namin ang isang maayos na pamumuhay.Kaming lahat sa pamilya namin ay halos nagsasakripisyo para lamang makapag-aral ako, hanggang sa dumating ang araw na nagkawatak-watak kami dahil nga sa kinakailangan upang makatapos ako,ngayon ito ang naisip kong kasabihang aakma sa nararamdaman ko ngayon at sa napagtanto ko, "mahirap sumayaw ng walang musika", na para sa akin mahirap mangarap nang walang wala ka.Kahit ngayon parang pati ako susuko na, nanghihina na rin ako pero naisip ko kailangan kong tapusin ito kasi nasimulan ko na eh, ngayon pa ba ako susuko kong malapit na ako sa "finishing line".Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil sa mga magulang kong patuloy na nagsisikap para sa amin,sana makayanan namin ito at sana patuloy pa rin kaming gabayan at tulungan ng Panginoong Diyos.

Bahagi ng Buhay Ko

Hay naku! Lunes na naman,ewan ko ba, para yatang nasasanay na naman ako na magdala ng cellphone,ilang taon din naman akong hindi nakagamit ng cellphone simula ng magkolehiyo ako pero ngayon nasimulan ko na namang magdala at gumamit sa eskwelahan. Kaya tuloy parang hindi kumpleto ang araw ko ngayon kasi nga hindi pinadala ng ama ko sa akin kasi gagamitin nya raw, kaya wala akong magawa kundi iwan  ang ilang bahagi ng buhay ko. Mahirap pala talaga kapag nasanay ka sa isang bagay, kasi hahanap-hanapin muna. Kaya pasensya na lang sa akin kasi wala naman akong magawa kundi iwan talaga iyon.