Lunes, Mayo 14, 2012
Bahagi ng Buhay Ko
Hay naku! Lunes na naman,ewan ko ba, para yatang nasasanay na naman ako na magdala ng cellphone,ilang taon din naman akong hindi nakagamit ng cellphone simula ng magkolehiyo ako pero ngayon nasimulan ko na namang magdala at gumamit sa eskwelahan. Kaya tuloy parang hindi kumpleto ang araw ko ngayon kasi nga hindi pinadala ng ama ko sa akin kasi gagamitin nya raw, kaya wala akong magawa kundi iwan ang ilang bahagi ng buhay ko. Mahirap pala talaga kapag nasanay ka sa isang bagay, kasi hahanap-hanapin muna. Kaya pasensya na lang sa akin kasi wala naman akong magawa kundi iwan talaga iyon.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento